PBBM, masusuri at mapipirmahan pa rin ang 2026 budget kahit sa Dec. 29 pa ang ratipikasyon

Nanatiling kumpiyansa ang Malacañang na mapipirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 2026 national budget bago matapos ang taon.

Ito ang pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro nang tanungin kung may sapat pang panahon ang pangulo upang suriin at lagdaan ang panukalang budget, lalo’t sa December 29 pa ito nakatakdang maratipikahan ng Kongreso.

Ayon kay Castro, may malinaw na proseso ang ehekutibo para sa masusing pagbusisi ng national budget upang matiyak na ito ay maayos, transparent, at nakaayon sa mga prayoridad ng pamahalaan.

Sisiguruhin din aniya ng pangulo na walang kuwestiyonableng alokasyon at ang pondo ng bayan ay mapupunta sa mga programang direktang pakikinabangan ng mamamayan.

Tiniyak ng Malacañang na mananatiling prayoridad ng administrasyon ang responsableng paggastos at maayos na pagpapatupad ng 2026 national budget bilang suporta sa mga serbisyong panlipunan at pang-ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments