PBBM, may impormasyon na kung sino ang mga sangkot sa pagpapatakas kay Alice Guo

Alam na umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung sinu-sino ang mga ulong gugulong na nasa likod sa pagtakas ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa ambush interviews sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Marcos na nagkausap na sila ni Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla at sinabing patapos na ang kanilang malalim na imbestigasyon tungkol dito.

Tumango rin ang pangulo nang matanong kung may kasabwat ba mula sa Bureau of Immigration (BI).


Malapit na aniya nilang matukoy kung sino pa ang mga dapat na managot at agad nila itong aaksyunan.

Sabi ng pangulo, inaalam na lamang kung ilan ang involve at gaano kalalim ang sabwatan sa kasong ito.

Facebook Comments