PBBM, may inanunsyo ngayong umaga tungkol sa flood control projects

Nagpatawag ng press conference si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong umaga para sa isang mahalagang anunsyo.

Ayon sa inisyal na impormasyon ng Presidential Communications Office (PCO), tatalakayin ng pangulo ang tungkol sa flood control projects ng pamahalaan.

Matatandaang iniutos ng Pangulo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) noong kayang State of the Nation Address (SONA) na ibigay sa kaniya ang mga listahan ng lahat ng flood control projects at tukuyin ang umano’y mga palpak na proyekto.

Batay sa pinakahuling pahayag ng pangulo, sinabi nitong hawak na niya ang nga listahan ng mga palpak na proyekto at mga taong sangkot dito.

Nais din ng Pangulo na ipa-blacklist ang mga contractor oras na makitaan ng pananagutan sa trabaho.

Facebook Comments