PBBM, may napili nang kapalit ni Abalos sa DILG

May napili nang papalit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Sec. Benhur Abalos bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ito’y matapos ianunsyo ni Abalos ang pagbibitiw niya bilang kalihim ng DILG dahil sa pagsabak niya sa Senatorial race sa 2025.

Ayon sa pangulo, dalawang pangalan lamang ang nasa shortlist na kaniyang pinagpilian.


Gayunpaman, tumanggi si Pangulong Marcos na pangalanan ang magiging bagong kalihim ng ahensya.

Saka na raw nila ito iaanunsyo oras na pormal na maghain ng kandidatura si Abalos para hindi maramdaman ng kalihim na itinutulak na diya paalis ng administrasyon.

Pinuri naman ng pangulo ang naging performance ni Abalos bilang kalihim ng DILG.

Facebook Comments