PBBM, may pa-birthday sa mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill sa Navotas City

Naghiyawan ang mga Navoteño nang i-anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dadagdagan niya ng P2,500 ang ayuda ng mga tinamaan ng epekto ng oil spill sa Navotas City.

Sa kaniyang talumpati sa Navotas Sports Complex, sinabi ng Pangulo na dahil birthday niya bukas ay itataas niya sa P7,500 ang ayuda ng mga ito mula sa orihinal na P5,000.

Bukod dito, nakatanggap rin ang mga mangingisda ng tig-10 kilong bigas.


Bukas ay idaraos ang ika-67 taong kaarawan ni Pangulong Marcos.

Nasa 8,600 ang kabuuang benepisyaryong nakatanggap ng ayuda sa Navotas City.

Facebook Comments