Thursday, January 22, 2026

PBBM, may paalala para sa ligtas at masayang Pasko at Bagong Taon

Nagpaalala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na maging maingat at responsable sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Ayon sa Pangulo, kumain lamang nang tama at iwasan ang labis na pagkain, lalo na ng matatamis, matataba, at maalat, dahil tumataas umano ang kaso ng atake sa puso tuwing kapaskuhan.

Pinayuhan din niya ang publiko na mag-ingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang aksidente at masiguro ang ligtas at masayang selebrasyon kasama ang pamilya.

Paalala rin ng Pangulo na mag-ingat sa paggamit ng paputok at kung maaari ay iwasan na lamang ito.

Mas mainam aniya ang paggamit ng torotot at iba pang ligtas na alternatibo.

Sa huli, binati ni Pangulong Marcos ang lahat ng pamilyang Pilipino at hiniling na maging ligtas at masaya ang kanilang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Facebook Comments