
Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan ng mga kabataan na nais pumasok sa politika.
Sa teaser ng kaniyang bagong podcast, ipinaalala ng Pangulo na ang pinakamahalagang dahilan bago pumasok sa serbisyo publiko ay ang maglingkod sa bayan, na isang pribelihiyo, at hindi para magpayaman.
Ayon sa Pangulo, ang tunay na mukha ng public service ay mahirap, madalas walang papuri, pero sulit aniya ito kapag may nababago ang buhay.
Ang bawat proyekto at pagbabago na nakakatulong aniya sa kapwa ay siyang nagbibigay saysay sa mabigat na responsibilidad ng isang pinuno.
Sa kabila ng hirap at batikos, para sa Pangulo, walang mas hihigit sa pakiramdam na may nagawa kang mabuti at umangat ang buhay ng mga Pilipino dahil sa pagsisikap.









