PBBM, may paalala sa mga motorista na babyahe ngayong Holy Week

‘Huwag maging kamote.’

Ito ang paalala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga motoristang babiyahe ngayong Holy Week kasunod ng mga insidente ng road rage sa ilang lugar sa bansa.

Sa kaniyang vlog, sinabi ng pangulo na nakalulungkot aniya na tila nagiging normal na ang bangayan sa kalsada na nauuwi pa sa barilan.

Ayon sa pangulo, batid niya na nakakainit talaga ng ulo ang traffic pero sa kabila nito, importante aniya ang pagsunod sa batas trapiko, lalo’t ang pagmamaneho ay isang pribelehiyo lamang.

Pinayuhan din ng pangulo ang mga tao sa paligid na umawat na lamang sa halip na videohan ang away.

Mas makabubuti aniya kung pipiliin ng lahat na magtimpi at mapang-unawa para walang pagsisihan sa huli, lalo’t ilang segundo lamang aniya ang mawawala kung magbibigayan tayo sa kalsada.

Kaya naman pinaalalahan ng pangulo ang lahat ng babiyahe ngayong Semana Santa na mag-ingat at laging piliit ang pagiging disiplinado at kapayapaan.

Facebook Comments