Tuesday, April 14, 2026

PBBM, may paliwanag sa pag-jumping jacks sa harap ng media

Hindi para magpatawa kundi para ipakitang wala dapat ipag-alala ang publiko sa kanyang kalusugan.

Ito ang paliwanag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung bakit siya tumakbo at nag-jumping jacks sa harap ng media.

Ayon sa Pangulo, sapat na ang mga problemang kinahaharap ng bansa, kabilang ang tensyon sa Middle East, kaya ayaw na niyang madagdagan pa ito ng isyu tungkol sa kanyang kalagayan.

Dagdag pa niya, layon din nitong pabulaanan ang mga kumakalat na balitang may malubha siyang karamdaman, kaya bigla siyang humarap sa media nang walang abiso.

Kasabay nito, hinamon niya ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon at iginiit na malinaw na ngayon kung sino ang nagsasabi ng totoo at hindi.

Facebook Comments