
Ngayong Pasko, nagpaalala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga tumanggap ng regalong hindi nila nagustuhan.
Ayon sa pangulo, anuman ang matanggap na regalo, mahalagang magpasalamat dahil ito ay ibinigay nang bukal sa loob ng nagbigay.
Dapat aniyang tandaan na ang halaga ng regalo ay hindi nasusukat sa presyo o kung ito ay kailangan na, kundi sa intensyon at pagmamahal na kasama nito.
Para naman sa mga regalong hindi nagamit o hindi nagustuhan, iminungkahi ng pangulo na ipasa na lamang ito sa ibang tao na mas makikinabang, sa halip na masayang.
Aniya, sa ganitong paraan, naipapasa rin ang diwa ng pagbibigayan ngayong Kapaskuhan.
Facebook Comments









