PBBM, may payo sa publiko ngayong Valentine’s Day

Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga Pilipino na unahin ang kanilang kalusugan ngayong Valentine’s Day o Araw ng mga Puso.

Ayon kay Pangulong Marcos, mas magandang unahin ng publiko ang kanilang mga sarili, na tila hugot niya para sa mga single.

Sinabi ito ng pangulo sa inilabas niyang video habang ginagawa ang kaniyang fitness routine.


Samantala, sa isang instagram story, ay tila magiging bukas sina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta Marcos sa publiko hinggil sa kanilang love story matapos na ibahagi nito ang sweet photo nilang magkasama.

Dito hinikayat ng first couple ang kanilang followers na tanungin sila ng kahit anong bagay para sa kanilang Valentine vlog.

Facebook Comments