Tuesday, February 24, 2026

PBBM, may tatlong aktibidad ngayong araw

May tatlong public engagement si Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw.

Unang pinuntahan ng Pangulo ang National Irrigation Administration (NIA) sa Quezon City para sa 2026 NIA–National Confederation of Irrigators Associations General Assembly.

Sunod na dadaluhan ng Pangulo ang pagtitipon ng ASEAN Editors at Economic Opinion Leaders sa Makati.

Layunin ng okasyon na pagsama-samahin ang mga editor at economic leaders sa rehiyon upang talakayin ang mahahalagang usapin sa ekonomiya, pag-unlad, at kinabukasan ng Southeast Asia.

Pagkatapos nito, pupunta naman ang Pangulo sa National Sports Museum sa PhilSports Arena para sa handover ceremony ng memorabilia ni Manny Pacquiao.

Dito ay pormal na ililipat ni Pacquiao ang ilan sa kanyang piling memorabilia bilang bahagi ng sports history ng bansa.

Facebook Comments