Kumpiyansa si Pangulong Bongbong Marcos na magiging produktibo ang naging bilateral meeting nil ani Qatari Amir Sheikh Tamim bin Hamad Al-Thani.
Ayon sa pangulo, ang naging state visit ng Amis sa bansa ay hindi lamang magreresulta sa mas matatag na relasyon ng Pilipinas at Qatar kundi magbubunga rin ng mas marami pang oportunidad sa iba’t ibang larangan.
Samantala, sinabi naman ni Qatari Amir Al-Thani na isang mahalagang partner ng Qatar ang Pilipinas sa iba’t ibang larangan partikular sa kalakalan at ekonomiya.
Naniniwala aniya siyang magsisilbing daan ang mga naselyuhang kasunduan ng Pilipinas at Qatar para mas mapalakas pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Facebook Comments