PBBM: Mga tamad at hindi tapat na opisyal ng gobyerno, bawal sa “Bagong Pilipinas”

Screenshot from RTVM

Nag-iwan ng tatlong mahahalagang paalala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa mga opisyal ng gobyerno sa ilalim ng isinusulong ng kaniyang administrasyon na “Bagong Pilipinas.”

Sa kaniyang talumpati sa Bagong Pilipinas Rally sa Quirino Grandstand, iginiit ng pangulo na bawal ang tamad at makupad sa pamahalaan.

Wala raw aniyang puwang ang ang mga mabagal at sabagal sa serbisyo publiko.


Dagdag pa ng pangulo na bawal rin aniya ang waldas, lalong-lalo na ang hindi tapat at mga nangungulimbat sa pera ng bayan.

Panghuli, bawal ang mapang-api at naghahari-harian, dahil dapat aniyang suklian ang tiwala ng publiko ng magalang na panunungkulan.

Ayon kay Pangulong Marcos, sa Bagong Pilipinas ay mahalaga na ang pagbabago ay nagsisimula sa pamahalaan.

Facebook Comments