PBBM, misunderstood sa komento sa usapin sa inflation ayon sa Department of Finance

Mali ang naging pagkakaintindi sa pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kaunay sa sinabi nitong hindi siya kumbinsido sa 6.1 percent na inflation rate.

Ito ang sinabi ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno sa press conference sa Malacañang.

Paliwanag ng kalihim tama na umabot sa 6.1 percent ang inflation rate pero ito ay para sa nakalipas na buwan ng Hunyo batay na rin sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).


Ang tinutukoy raw ng Pangulong Marcos na 4.4 percent inflation rate ay para sa full year inflation figure.

Kabilang aniya sa nag-ambag sa datos na ito ay ang operasyon ng personal transportation o mga lumalabas na pribadong sasakyan, equipment, kuryente, langis, karne at iba pang land animals.

Sinabi pa ni Secretary Diokno na tama ang pangulo sa pahayag nitong ang mataas na inflation rate ng bansa ay problema hindi lang ng bansa kundi maging nang ibang mga bansa.

Facebook Comments