PBBM, muling binigyang diin ang kahalagahan ng mabilis na pagpapatupad ng digitalization sa mga government transaction

Binigyang-diin muli ni Pangulong Bongbong Marcos ang pangangailangang mai-digitalize na ang mga transaksyong ginagawa sa gobyerno.

Ayon sa pangulo, nakababahala na habang nakalatag na ang digitalization sa hanay ng mga mag-aaral, pagnenegosyo at maging sa mga ordinaryong mamamayan ay hindi pa ganoon ang nakikita sa panig ng gobyerno partikular na sa mga ginagawang government transactions.

Konektado kasi ito ayon sa pangulo sa nais mangyari ng kanyang administrasyon na ang target ay mapadali ang transaksyon sa gobyerno gaya ng pagbabayad ng anumang government fee at mabilis na pagkuha ng anumang government documents gaya ng permit o lisensya.


Inihayag ng presidente na malaki ang magagawa ng ipinupursigeng digitalization at malayo ang mararating nito sa aspeto ng ease of doing business habang binanggit nito na ang collecting government agencies ang dapat na maunang mai-digitalize.

Facebook Comments