PBBM, muling iginiit ang kahalagahan ng Public Private Partnership, sa harap patuloy na suporta ng administrasyon sa mga MSME

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang importansya ng pagtutulungan sa pagitan ng private at public sector.

Sa harap ito ng patuloy na target ng Marcos administration na mapaangat ang mga nasa Micro, Small, Medium Enterprise o MSMEs.

Sinabi ng pangulo, bagama’t ginagawa ng gobyerno ang lahat para mapalakas ang mga nasa MSME ay hindi ito sapat.


Punto ng chief executive na kailangan talaga ng partnership sa pagitan ng gobyerno at private sector.

Kaugnay nito kinikilala ng presidente ang mga nasa private sector na handang tumulong sa gobyerno sa harap ng pagsisikap na maiangat ang maliliit na mga negosyante.

Facebook Comments