PBBM, muling iginiit ang pagkakaisa sa mga miyembro ng kaniyang partido

Muling ipinanawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagkakaisa ng mga miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) para makamit ang mga hangarin nito sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang iisang layunin at direksyon ng bawat kasapi ay maituturing na matibay na pundasyon laban sa mga kalaban sa politika.

Importante aniyang bigyang-pansin ang pagtutulungan hindi lamang ng partido kundi ng bawat miyembro nito.


Iginiit din ng pangulo na walang ibang grupo o indibidwal na makakahigit sa kakayahan at diskarte ng kanilang samahan dahil ang partido ay palaging nasa likod ng kanilang mga kandidato.

Layon nilang pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino at ipagtanggol ang Pilipinas.

Mahalaga rin aniyang maipaalam sa mga botante ang kanilang mga plano at adbokasiya para sa bayan.

Facebook Comments