PBBM, Muling iginiit na malaking tulong sa pag-angat ng ekonomiya ang muling pagsasagawa ng face-to-face classes ngayong buwan

Iginiit muli ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na malaking tulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa ang pagbabalik ng face-to-face classes ng mga mag-aaral ngayong buwan.

Sa kanyang weekly vlog, hinikayat ng pangulo ang lahat ng concerned agencies na gawin ang kanilang best para 100 porsyentong maging matagumpay ang person in person learning sa harap COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Marcos na sa pagsasagawa muli ng face-to-face classes inaasahang makakdagdag ito sa kita ng mga nasa sektor ng transportasyon, pagkain, retail at iba pang negosyo.


Kaugnay nito, nanawagan ang pangulo sa lahat ng eligible Filipinos na magpa booster shots upang mas maging ligtas sa COVID-19 ang pagbubukas ng face-to-face classes.

Sa ngayon aniya, mayroong 15.9-M Pilipino ang nakatanggap na nang first booster shots habang 1.2-M Pilipino ang nakakuha na ng 2nd booster shots.

Facebook Comments