Inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang intervention speech sa 41st ASEAN Summit Retreat Session sa Phonm Penh, Cambodia ang pakiusap ng ASEAN foreign ministers sa Ukraine at Russia na itigil na ang sagupaan at ibalik na sa diplomasya ang isyu.
Sa intervention speech ng pangulo sinabi nitong ang kanyang pinaka-concern ay ang naantalang international economic ramifications partikular ang gobal food and energy security and commodity supply dahil sa nagpapatuloy na gulo ng dalawang bansa.
Nakakaapekto aniya sa negosyo, kabuhayan ng mga tao at pagtaas ng presyo ng langis, pagkain at iba pang commodities ang kasalukuyang gulo sa Ukraine at Russia.
Giit ng pangulo, panawagan niya sa gulong ito ay magkaroon ng mapayapang pag-uusap para maresolba.