
Muling mag-iinspeksyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng isa pang flood control project sa Bulacan ngayong umaga.
Sa pagkakataong ito, bibisitahin ng Pangulo ang Reinforced Concrete Riverwall Project sa Barangay Piel sa Baliuag.
Batay sa bid document ng Bulacan 1st District Engineering Office ng DPWH, nagkakahalaga ang proyekto ng halos P60 million.
Pinondohan ito sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program (NEP).
Pero nito lang Enero binuksan ang bidding para sa proyekto.
Ito ang ikatlong flood control project na ininspeksyon ng Pangulo sa Bulacan.
Facebook Comments









