PBBM, muling nagtalaga nang ilang opisyal sa apat na ahensya ng gobyerno

May mga bagong opisyales ang apat na ahensya ng pamahalaan.

Batay sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO) nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng mga bagong opisyal sa Department of Education (DepEd1), ito ay sina Teresita Inciong bilang Executive Director, Randy Escolango bilang Undersecretary at Engelbert Apostol bilang Director IV.

Maging sa Department of Works and Highways (DPWH) ay nagtalaga rin ang pangulo ng tatlong opisyal.


Ang mga ito ay sina Ma. Victoria Gregorio at Gliricida Tumalijuan- Ali bilang Director IV habang si Von Francis Mesia ay inappoint na Director III.

May limang opisyal rin ang inappoint sa Department of Transportation habang Tatlo sa National Economic and Development Authority o NEDA.

Ito ay sina Divina Gracia Del Prado, bilang Deputy Nationak Statisticia, Adrian Cerezo assitant National statistician at Clemente Manaog Director III.

Facebook Comments