PBBM, muling pangungunahan ang pamamahagi ng bigas sa mga recipient ng 4Ps sa lungsod ng Taguig

Muling mamamahagi ng libreng bigas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang iikutang lugar ng pangulo para sa rice distribution ngayong araw na ito ay ang lungsod ng Taguig.

Maliban sa ilang miyembro ng gabinete gaya nina PCO Secretary Cheloy Garafil, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at Special Assistant to the Presidente Anton Lagdameo ay inaasahan din ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Taguig.


Kasama rin sa listahan na dadalo mamayang alas-10:00 ng umaga sa aktibidad ng pangulo ay si Senador Allan Peter Cayetano.

Ilan sa mga lugar na una nang naging subject ng rice distribution ng pangulo ay ang Camarines Sur, Cavite, Zamboanga at Maynila.

Facebook Comments