Dalawang araw bago ang Pasko, masusi pa ring pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang 2025 national budget.
Muling pinulong ng Pangulo ngayong araw ang kaniyang economic managers, kaugnay sa ginagawang review sa 2025 national budget.
Patuloy na pinag-aaralan ni PBBM ang pambansang pondo sa susunod na taon.
Muling pinulong ng Pangulo si Executive Secretary Lucas Bersamin at ang kaniyang economic cluster na kinabibilangan ng DOF, DBM, at NEDA, gayundin ang Department of Public Works and Highways.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Cesar Chavez, noong Biyernes lang ng hapon natanggap ng Pangulo ang printed copy ng 2025 national budget.
Target ni PBBM na mapirmahan ang general appropriations act bago matapos ang taon.
Samantala, sinabi naman ni Chavez, na sa mga nakaraang pulong ay hindi naman nababanggit ang pagkakaroon ng reenacted budget.