PBBM, muling pupulungin ang ilang mga gabinete ngayong araw

Mananatili lamang sa Malacañang ngayong araw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa kaniyang mga nakalinyang pulong.

Ayon kay Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez, makakasama ng Pangulo sa private meeting sina Executive Secretary Lucas Bersamin, NEDA chief Arsenio Balisacan, Department of Labor and Employment o DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, at Department of Social Welfare and Development o DSWD Chief Rex Gatchalian.

Magiging agenda ng pulong ang may kinalaman sa guidelines ng mga programa at proyekto na natukoy ng Kongreso.


Nito lamang nakaraang Lunes ay humarap din sa sunod-sunod na meeting ang Pangulo na kung saan ay ilan sa mga naging agenda ang Monetary policies at Private, Public Partnership o PPP.

Bukas naman ay magaganap ang tradisyunal na Vin d’Honneur o Wine of Honor sa Palasyo.

Makakasama ng Pangulo ang mga opisyal ng pamahalaan at mga miyembro ng diplomatic community.

Facebook Comments