PBBM, muling sasabak sa sunod-sunod na aktibidad sa ikalawang araw ng ASEAN Summit sa Malaysia

Maghapon ang magiging aktibidad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ikalawang araw ng 47th ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Magsisimula ang araw ng Pangulo sa 26th ASEAN–Republic of Korea (ROK) Summit alas-9:30 ng umaga sa Kuala Lumpur Convention Centre (KLCC).

Kasunod nito, dadalo siya sa 28th ASEAN Plus Three (APT) Summit alas-10:45 ng umaga sa parehong venue.

Pagkatapos ng tanghalian, inaasahang lalahok si Pangulong Marcos sa Reception para sa Pagsali ng Timor-Leste sa ASEAN.

Itinuturing itong isang makasaysayang kaganapan na magmamarka sa opisyal na pagpasok ng bagong miyembrong bansa sa ASEAN.

Susunod naman ang 5th Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) Leaders’ Summit alas-1:45 ng hapon, kung saan inaasahang tatalakayin ang pagpapalakas ng kalakalan at pamumuhunan sa rehiyon.

Sa hapon, dadalo si Pangulong Marcos sa 20th East Asia Summit (EAS) alas-3:30 ng hapon, at sa 15th ASEAN–United Nations (UN) Summit alas-6:30 ng gabi.

Bilang pagtatapos ng araw, dadalo si PBBM sa Gala Dinner na pangungunahan ni Malaysian Prime Minister Dato’ Seri Anwar Ibrahim.

Ang ASEAN summit ay sentro ng mga talakayan ng mga world leaders kaugnay seguridad, ekonomiya, at kooperasyon sa Southeast Asia.

Facebook Comments