
Muling nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga medical workers na unahin muna ang paglilingkod sa bansa bago magtrabaho sa abroad.
Ayon kay Pangulong Marcos, sa kauna-unahang pagkakataon, mayroon nang doktor sa bawat lungsod at munisipalidad sa Pilipinas.
Ito aniya ang dahilan kung bakit palagi siyang nakiki-usap sa mga healthcare workers na magtrabaho muna sa Pilipinas bago makipagsapalaran sa ibang bansa.
Sabi ng Pangulo, malaking hakbang aniya ito para maihatid ang serbisyong pangkalusugan hanggang sa mga malalayong komunidad.
Ginagawa rin aniya ng pamahalaan ang lahat upang mapabuti ang kalagayan ng mga health worker at mapalakas ang healthcare system ng Pilipinas.
Facebook Comments









