PBBM, muling umapela sa publiko na magpabakuna upang mas matiyak ang proteksiyon kontra COVID-19

Muling nanawagan sa publiko si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., magpaturok ng bakuna para masigurong may proteksiyon laban sa COVID-19.

Ang apela ay ginawa ng punong ehekutibo sa ginawa nitong pangunguna sa launching ng bivalent vaccination sa Philippine Heart Center.

Ayon sa pangulo, bagama’t maituturing na humupa na ang pandemya at hindi na grabe ang sintomas ng sakit ay nananatili pa rin namang naririyan ang nasabing karamdaman.


Pagbibigay diin ng pangulo, hindi pa rin dapat magpakakampante sa COVID-19.

Malaki aniya ang maitutulong ng bakuna para mapanatili ang gumagandang laban kontra sa COVID-19.

Kaya naman panawagan ng Pangulo sa lahat, magpabakuna.

Inaasahan naman ng Pangulo na sa bagong liderato ng Department of Health (DOH) sa katauhan ni Secretary Ted Herbosa, mapapalakas nito ang kampanya ng gobyerno na may kinalaman sa pagbabakuna.

Facebook Comments