Thursday, January 22, 2026

PBBM, na-diagnose ng diverticulitis; may mensahe sa mga gustong mawala siya sa pwesto

Maayos na ang kalagayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos sumailalim sa medical observation kagabi.

Ayon sa pangulo, siya ay may diverticulitis na isang karaniwang kondisyon lalo na sa mga may edad at dumaranas ng matinding stress.

Pinapayuhan aniya ng mga doktor na maghinay-hinay sa trabaho, pero mahirap itong sundin dahil sa dami ng kanyang responsibilidad.

May mensahe naman pangulo mga nais na mawala siya sa pwesto.

Hindi aniya life-threatening ang kaniyang kondisyon at walang dapat ikabahala ang publiko.

Balik-trabaho na rin ang pangulo at sumabak sa dalawang pribadong pulong ngayong hapon.

Gayunman, kinumpirma ng Malacañang na hindi na matutuloy ang nakatakdang biyahe ng pangulo sa Ilocos Norte, bilang pagsunod sa payo ng mga doktor.

Kagabi ay dinala ang pangulo sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City para sa observation at pinayagan ding makauwi matapos masigurong nasa mabuting kalagayan.

Facebook Comments