PBBM, naalarma sa mga ulat na pagsuspinde sa implementasyon ng IRR ng MIF

Naalarma si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ulat na sinuspinde ang pag-implementa sa Implementing Rules and Regulations (IRR) sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Sa departure speech ni Pangulong Marcos bago tumulak patungo sa Riyadh, Saudi Arabia, sinabi nito na taliwas sa mga naglabasang balita, itutuloy pa rin ang MIF.

Una nang naglabas ng memorandum ang Office of the Executive Secretary sa Department of Finance, Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines na suspendihin na muna ang implementasyon ng MIF dahil pinatitiyak ni Pangulong Marcos na may sapat na safeguards ito.


Ayon sa pangulo, target niyang maging operational ang Maharlika bago matapos ang taong kasalukuyan.

Nasa P50 bilyon ang inilagak na puhunan ng Land Bank habang P25 bilyon naman sa DBP.

Facebook Comments