Nasa kabuuang ₱325 million na halaga ng tulong ang inihatid ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Cagayan Valley sa harap ng malawak na pinsalang iniwan ng magkakasunod na bagyo.
Sa probinsya ng Isabela at Quirino, itinurnover ng pangulo ang tig-50 million pesos na cheke mula sa Office of the President.
May tig-10 million pesos na financial assistance din ang Tuguegarao City at 20 nasalantang lokal na pamahalaan sa cagayan.
Bukod pa ito sa tig-10,000 ayuda ng DSWD sa 1,500 benepisyaryo, habang namahagi ang dep’t of agriculture ng vegetable seeds at 160,000 pesos crop insurance payments sa mga apektadong magsasaka.
Samantala, sinabi ng pangulo na pinag-aaralan na ang mga master plan para sa mga pangunahing river basins ng bansa tulad ng Cagayan river basin, at sinisimulan na rin ang pagsasaayos sa Magat Dam na napakahalaga sa sektor ng agrikultura.
Sinimulan na rin ang flood control structures tulad ng Tumauini River Multipurpose Project, na bukod sa pagtugon sa baha ay magbibigay din ito ng patubig sa mga pananim.