Nagsagawa ng aerial inspection sa Virac, Catanduanes si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para personal na makita ang lawak ng pinsalang iniwan ng Bagyong Pepito, na isa sa pinakahinagupit ng bagyo.
Ayon sa pangulo, hindi ang dami ng ulan ang naging problema kundi ang malalakas na hangin.
Ito aniya ang dahilan kung bakit puro bahay na walang bubong ang bumungad sa kanilang isinagawang inspeksyon.
Kasunod nito ay nagsawa rin ng situation briefing ang pangulo para mapag-usapan ang pagtugon sa pangangailangan sa lugar.
Samantala, namahagi naman ng higit P50 million na Presidential assistance ang pangulo sa provincial government ng Catanduanes.
Tiniyak din nitong patuloy na aabutan ng food packs ang mga nagsilikas at nasa evacuation centers at ang pamamahagi ng construction materials para sa mga nasiraan ng bahay.