PBBM, nag-alok ng “hands of reconcilation” kasabay ng pakikiisa sa paggunita ng sa ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution

Nakiisa si Pangulong Bongbong Marcos sa paggunita ng ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Marcos na kaisa siya sa pagbabalik tanaw sa ating kasaysayan kung saan ipinakita ng mga Pilipino ang pagkakaisa sa panahon ng pagsubok.

Dahil dito aniya ay naging matatag ang ating bansa.


Kasabay nito, nanawagan at nag-alok ang pangulo sa mga may iba’t ibang paniniwala sa pulitika na magkaisa at magsama-sama sa pagbuo ng isang mabuting lipunan para sa pag-unlad at kapayapaan para sa lahat ng mga Pilipino.

Kaninang umaga ng magsagawa ng wreath laying ceremony sa People Power Monument sa Quezon City kung saan pinangunahan ito ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Nagpadala naman si Pangulong Marcos bulaklak sa People Power Monument.

Facebook Comments