Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng tatlong bagong mahistrado ng Court of Appeals (CA).
Kabilang sa mga inappoint ng pangulo bilang bagong CA justices sina Lorna Francisca Catris Cheng, Ma. Consejo Gengos-Ignalaga at Raymond Joseph Javier.
Inilagay naman si Henry Angeles bilang associate justice ng Court of Tax Appeals (CTA) habang in-appoint din si Juliet Manalo-San Gaspar bilang associate justice ng Sandiganbayan.
Samantala, itinalaga rin ng pangulo si Ret. Armed Forces of the Philippines Chief General Andres Centino bilang Presidential Assistant for Maritime Concerns na may ranggong secretary habang ni-reappoint naman si Dr. Teodoro Herbosa bilang ad interim secretary ng Department of Health (DOH).
Facebook Comments