PBBM, nag-host ng isang pagtitipon para sa LGBT community sa Malacañang

Naglaan ng kanyang panahon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa LGBT Community sa pamamagitan ng isang pagtitipon na ginawa sa Malacañang kahapon.

Sa kanyang mensahe sa isinagawang LGBT Pride reception, sinabi ng presidente na iniuukol ng gobyerno ang karampatang respeto sa LGBT group bilang mga Pilipino.

Hindi aniya pinag-uusapan kung ano ang orientation sa grupo ng LGBT at sa halip, ang dapat aniyang mangibabaw sa maayos na pagtrato sa kanila ay ang kanilang pagiging Pilipino.


Pantay-pantay ayon kay Pangulong Marcos ang dapat na maging pagtingin sa bawat Pinoy.

Facebook Comments