Inalam ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sitwasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 para sa domestic at international flights.
Ito’y matapos ang nangyaring technical glitch sa Air Traffic Management Center (ATMC) ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP na nakaapekto sa international at domestic flights noong Bagong Taon.
Kasama sa pag-iikot ng pangulo sa NAIA Terminal 3 sina Department of Transportation o DOTr Secretary Jaime Bautista, Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong CAAP Director-General Captain Manuel Antonio Tamayo.
Ayon sa CAAP nagkaroon ng power outage ang ATCM Systems noong January 1, alas- 09:49 ng umaga at bumalik ang supply ng kuryente alas-4:00 na ng hapon sa parehong araw.
Dahil dito, 17 paparating at 21 papaalis na international flights ang naantala ang biyahe hanggang sa naibalik lang ang normal operations noong January 3, 2023.