PBBM, nag-sorry dahil sa dami ng nasawi sa Bagyong Tino

Nag-sorry si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga pamilya ng mga nasawi at nasugatan sa pananalasa ng Bagyong Tino, na nagdulot ng matinding pagbaha sa Visayas.

Aminado ang Pangulo na nagkamali ang paghahanda ng mga lokal na opisyal, dahil storm surge ang inasahan, pero flash flood ang sumalanta.

Tiniyak naman ng Pangulo na mananatili ang gobyerno sa mga apektadong lugar hanggang makarekober ang mga residente.

Magbibigay din ng ₱5,000 ayuda sa mga bahagyang nasiraan ng bahay at ₱10,000 sa mga tuluyang nawalan ng tirahan.

Inatasan din ni Marcos ang DPWH na inspeksyunin ang mga dike at kalsadang hindi kinaya ng baha, at ang mga LGU na maghanda sa panibagong bagyong Uwan.

Facebook Comments