
Ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno na simulan ang proseso para sa isang extradition treaty sa Portugal, kaugnay ng pagbabalik sa bansa ng wanted na dating mambabatas na si Zaldy Co.
Sa Malacañang press briefing sinabi ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, kumpirmado ang koordinasyon ng pamahalaan sa Interpol para sa posibleng repatriation ni Co.
Sinabi rin ni Remulla na hihingi ang Pilipinas ng extradition treaty sa Portugal matapos makatanggap ng intelligence information na naroon umano si Co at may hawak na Portuguese passport.
Patuloy aniya ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa mga international partners upang mapanagot ang dating mambabatas at maibalik siya sa hurisdiksyon ng Pilipinas.










