PBBM, nagbigay ng apat na buwang ultimatum para tapusin ang mga irrigation project laban sa epekto ng El Niño

May ibinigay na ultimatum si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Departure of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) na tapusin ang mahahalagang irrigation projects sa lalong madaling panahon.

Ito ay sa harap na rin ng banta ng El Niño na inaasahang mas mararamdaman sa unang quarter ng 2024.

Sa talumpati ng pangulo sa isinagawang pagpapasinaya ng Balbalungao Small Reservoir Irrigation Projects sa Nueva Ecija, kanyang binibigyan ng apat na buwan o hanggang Abril ang DA at NIA para tapusin ang proyekto para sa irrigation projects.


Batay sa utos ng presidente sa DA at NIA, dapat ay on time at walang maging anumang pagkaantala na mangyayari sa mga proyekto kasama na ang mga hydro power plants at watershed projects ng sa gayon ay magbebenepisyo rito na ang mamamayan.

Mahigpit na utos ng pangulo, masigurong may sapat na water at power supply sa panahong maramdaman na ang kainitan sa panahon ng El Nino.

Facebook Comments