PBBM, nagbigay ng kaunting detalye sa lalamanin ng kaniyang ikatlong SONA

Nagbigay ng kaunting detalye si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tungkulin sa lalamanin ng kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).

Sa ambush interview sa Rizal, sinabi ng pangulo na ilalahad niya sa mga Pilipino ang progreso ng mga proyekto ng kaniyang administrasyon.

Ilalahad niya rin ang estado ng buhay ng ating mga Pilipino, antas ng ekonomiya, hakbang ng pamahalaan kontra kriminalidad at ang pagtugon sa iba pang isyu.


Pipilitin aniya ng pangulo na mapagkasya sa loob ng isang oras ang talumpati niya sa SONA.

Facebook Comments