PBBM, nagbigay ng standing order sa AFP kasunod ng pinakahuling insidente sa WPS

Nagbigay ng kautusan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasunod ng pagbangga ng Chinese Coast Guard sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Armed Forces of the Philippines o AFP Chief General Romeo Brawner, naninindigan pa rin si Pangulong Marcos na walang dapat na makuha kahit na isang pulgada ang mga dayuhan sa teritoryong ng Pilipinas.

Kaya naman hindi aniya nila inaalis ang kanilang pwersa sa rehiyon dahil baka gumawa na naman ng artificial island ang China.


Dagdag pa ni Brawner, tuloy rin ang legal na operasyon ng miltar sa lugar at nakasunod ang pamahalaan sa international law sa pagpapatupad nito.

Samantala, sinabi naman ng National Maritime Council na tuloy pa rin ang pagpapaiiral ng diplomasya sa kabila ng magkakasunod na panghaharass ng China sa mga nagdaang linggo.

Facebook Comments