Nagbigay-pugay si Pangulong Bongbong Marcos sa mga bayaning Amerikanong sundalo sa Arlington National Cemetery.
Ang pangulo ay nag-alay ng bulaklak sa Tomb of the Unknown Soldiers, ang historic monument para sa lahat ng mga Amerikanong sundalong namatay sa giyera na hindi na natagpuan pa o hindi na natukoy ang pagkakakilanlan.
Pagkatapos ng seremonya para sa mga bayaning Amerikanong sundalo, binigyan din si Pangulong Marcos ng pagkakataon para makapaglibot sa museum ng Arlington National Cemetery.
Kasama ng pangulo sa pagtungo Arlington Cemetery sina Speaker Ferdinand Martin Romualdez; Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo; Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez; National Security Adviser Eduardo Año, at Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo Jr.
Ang Arlington National Cemetery ay libingan ng mga bayaning Amerikano kabilang na ang mahigit 300,000 amerikankng sundalong nakipaglaban noong revolutionary war laban sa pananakop ng Iraq at Afghanistan.
Itinayo ang sementeryo noong 1866.
Si Pangulong Marcos ay nasa Washington DC ngayon para sa kanyang limang araw na official visit na layuning pang mapalalim ang relasyon ng Pilipinas at Amerika.