PBBM, nagdeklara ng all-out war laban sa katiwalian ngayong National Heroes’ Day; korapsyon, walang puwang sa administrasyon —PBBM

Kasabay ng paggunita ng National Heroes’ Day ngayong araw, nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na panahon na para wakasan ang malalim na sugat ng korapsyon sa bansa.

Ayon sa Pangulo, walang puwang sa kaniyang administrasyon ang kultura ng kawalang-respeto at kawalang-malasakit sa taumbayan na matagal nang nagpapahina sa lipunan.

Ang katiwalian aniya ay hindi lang pagnanakaw ng pondo ng bayan, kundi pagnanakaw din ng pangarap, kinabukasan, at pagkakataon ng mga susunod na henerasyon.

Kasunod nito, tiniyak ng pangulo na hahabulin at pananagutin niya ang lahat ng sangkot sa anumang anyo ng anomalya at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Nanawagan din ang pangulo sa bawat Pilipino, lalo na sa kabataan, na maging mapanuri at manindigan laban sa mali dahil sa bawat Pilipinong nagiging tapat at may malasakit, naipagpapatuloy aniya ang apoy ng kabayanihan na sinindihan ng ating mga bayani.

Facebook Comments