PBBM, nagdeklara ng holidays sa iba’t ibang lalawigan sa bansa para sa susunod na linggo

Nagdeklara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng holidays sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.

Sa Proclamation No. 554, idineklara ang special non-working day sa probinsya ng Rizal sa June 11 para sa 123rd founding anniversary nito.

Sa ilalim naman ng Proclamation No. 555, special non-working day rin sa buong lalawigan ng Pampanga sa June 15 para sa komemorasyon ng ika-tatlumpu’t tatlong anibersaryo ng pagputok ng Bulkang Pinatubo.


Habang special non-working day rin sa Angeles City sa kaparehong araw.

Samantala, sa June 17 ay special non-working day sa Lapu-Lapu City sa ilalim ng Proclamation No. 558 para sa charter anniversary, at sa June 24 naman sa probinsya ng Masbate batay sa Proclamation No. 564 para sa bagat-dagat festival.

Facebook Comments