PBBM, nagdeklara ng special non-working days sa ilang lugar

Nagdeklara ng special non-working days ang Malacañang sa limang munisipalidad at tatlong lungsod sa bansa para bigyang-daan ang pagdiriwang ng mga lokal na kapistahan at anibersaryo.

Sa Enero 5, 2026, special non-working day sa Tagudin, Ilocos Sur at Bauang, La Union para sa kanilang 440th founding anniversary.

Sa Oroquieta City, Misamis Occidental, special non-working day ang Enero 6, 2026 bilang pagdiriwang ng 56th Charter Anniversary at 96th taon bilang kabisera ng lalawigan.

Sa Lian, Batangas, idineklara ang Enero 31, 2026 bilang special non-working day para sa Liberation Day, habang Enero 27, 2026 naman sa Tantangan, South Cotabato para sa 65th founding anniversary at Kultingtang Festival.

Special non-working day din ang Enero 16, 2026 sa Batangas City para sa city fiesta, at Enero 9, 2026 sa Koronadal City, South Cotabato para sa 86th founding anniversary at Hinugyaw Festival.

Samantala, idineklara rin ang Enero 21, 2026 bilang special non-working day sa Currimao, Ilocos Norte para sa pagdiriwang ng founding anniversary ng bayan.

Facebook Comments