PBBM, naghahanap na ng susunod na DepEd secretary matapos ang pagkalas ni VP Sara Duterte sa gabinete

Courtesy: Presidential Communications Office

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naghahanap siya ng susunod na kalihim ng Department of Education (DepEd).

Kasunod ito ng pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte kamakailan bilang miyembro ng kaniyang gabinete.

Sa ambush interview sa Manila Hotel, sinabi ng Pangulong Marcos Jr., na minamadali na niya ang pagpili sa susunod na DepEd secretary.


Hindi aniya maaaring mabakante ang posisyon at kailangang tuloy-tuloy ang trabaho ng DepEd na itinuturing na pinakaimportanteng kagawaran.

Sa ngayon, ipinag-utos na ng pangulo ang pagsusumite ng mga pangalan na kaniyang pagpipilian bilang susunod na kalihim ng DepEd.

Bukod diyan, sinabi pa ng pangulo na aalamin din ang lagay ng kagawaran kung nangangailangan pa ito ng mga dagdag na mga kawani.

Facebook Comments