
Nagsimula nang maghanda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kaniyang ika-apat na State of the Nation Address sa July 28.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, abala na sa paglalatag ang pangulo ng kaniyang talumpati dahil nais nitong maging mas maganda ang kanyang pag-uulat sa bayan sa pagpasok ng kaniyang ika-apat na taon sa pwesto.
Asahan aniyang lalamanin ng talumpati ang mga naging proyekto, achievements, at accomplishments ng administrasyon sa nakalipas na taon.
Dagdag ni Castro, magbibigay ng update ang Palasyo sa mga susunod na araw dahil sa ngayon ay patuloy pa itong pinaghahandaan ng pangulo.
Matatandaang naging highlight ng SONA ng pangulo noong nakaraang taon ang paninidigan niya sa West Philippine Sea at kautusang ipa-ban ang operasyon ng lahat ng POGO sa Pilipinas.









