Personal na binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos ang mga biktima ng nangyaring sunog sa Isla Puting Bato na ngayo’y nananatili sa Delpan Evacuation Center, at Rosauro Almario Elementary School sa Tondo Maynila.
Tintayang nasa 2,100 ang pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa nangyaring sunog noong November 24 na umabot pa sa Task Force Charlie.
Kaugnay nito, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng tig-10,000 ayuda at food packs mula sa DSWD sa kada pamilya.
Habang ang Office of the President naman ay namahagi ng mga kumot at sleeping mats sa mga nasa evacuation center.
Ayon sa Pangulo, kinakailangang matayo kaagad ang mga kabahayan bago dumating ang Pasko.
Pangako ng Pangulo sa mga biktima, na kung hindi sila makauwi sa kanilang mga bahay sa Pasko ay pupunta mismo ang Pangulo sa evacuation center para samahan silang magdiwang ng Pasko.