Monday, February 2, 2026

PBBM, naghihintay ng resolusyon ng iba pang kaso sa DOJ at Ombudsman kaugnay ng flood control anomalies

Nilinaw ng Malacanang na hindi pa tapos ang pagpapanagot sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Ito ang paliwanag ng Palasyo sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa kawalan ng “Merry Christmas” ng mga dawit sa anomalya.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi ito tumutukoy sa mga pangalan, kundi sa mga indibidwal na nakulong na matapos maipalabas ang mga warrant of arrest sa loob ng mahigit apat na buwan.

May malinaw rin aniyang resulta ang kampanya ng administrasyon laban sa korapsyon, may mga nakulong, may mga ari-ariang na-freeze, at may mga napasimulang pagsasauli ng nakaw na pondo ng bayan.

Dagdag pa ng Palasyo, nagpapatuloy ang imbestigasyon at hinihintay ni Pangulong Marcos ang resolusyon ng iba pang kasong nakabinbin sa Department of Justice at Office of the Ombudsman.

Facebook Comments