PBBM, naglabas na ng EO na magbababa sa taripa sa bigas

FILE PHOTO

Naglabas na ng pormal na kautusan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para mapababa ang taripa sa imported na bigas.

Sa ilalim ng Executive Order No. 62, ibababa na sa 15% ang taripa sa mga imported na bigas tulad ng brown rice, semi-milled o wholly milled rice, glutinous rice, basmati rice, at iba pang rice variety mula sa 35%.

Alinsunod na rin ito sa Comprehensive Tarrif Program 2024-2028 na inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board.


Ito’y para makamit ang target na P29 hanggang P39 na kada kilo ng bigas para sa mahihirap na Pilipino.

Ang pagtapyas sa taripa ay inaasahang magdudulot din ng pagbagal ng inflation, na magreresulta para maibsan ang mataas na presyo ng bigas sa mga palengke.

Samantala, mananatili naman ang dating taripa sa ibang produktong pang-agrikultura tulad ng mais, asukal, sibuyas, broccoli, cassava, kamote, kape at mechanical deboned meat.

Facebook Comments